Thursday, January 6, 2011

share-share lang

Ai oo nga no!? May nabasa akong blog, he's talking about the upcoming first anniv of his blog. E ako, alam ko ba kung kelan ako magwa-one year!? haha Ang saklap! Hindi ko po alam. hahaha Mahilig lang akong mag follow. Hindi ako mahilig mag post nag kung ano-anong kaek-ekan bout my life or anything na pwede kong mai share, kasi naman wala namang kwenta eh, puro lang katatawanan at kalukohan.

Pero nung December naawa ako sa blog ko. Wlang laman. Lonely as ME. Choz lang. hahaha Hindi ako LONELY noh! May lablyp ako, hindi lang nila alam(mas tama yatang sabihin na HINDI LANG ALAM NG IBA . hahaha mga BFFs ko lang ang me alam. hahaha) So naisip ko na magsastart nang magpost this year, kahit walang kwenta.

(Hindi ko na alam anong susunod...hmmm.)
Ano bang kakatwang nagyari ngayong araw? hmmmm.
AH, kaninang umaga...wala naman sigurong masama kung matatawa ka dibah? KAsi nakakatawa naman talaga pag mali ang pagka-pronounce niya ng word, or mali yung grammar niya. Anong gagawin ko kung tumatawa na silang lahat? tutunganga nalang na parang wala lang? Never pa yun nangyari sa akin. Kasi pag may nakakatawa, sa akin sila(Klasmeyts and friends) agad unang titingin, taz sisitahin nila ako habang tumatawa. Kunwari ako yung tinatawanan( kasi pag natatawa ako, matatawa ka rin. Basta there's something sa halakhak ko na matatawa ka rin. Bwahahaha) pero ang totoo natatawa talaga sila sa nagkamali. Minsan nagi-guilty ako, pero pag friends ko or hindi ko kilala "lakas-tawa" talaga ako, as in walang konsyensyang tawa. Kasi pag AKO ang nagkamali...I'm 100 percent sure na tatawanan din nila ako. Kaya fair lang.

Pano ko bah to tatapusin? Babye. haha Ganun lang? Babye? Hindi ko talaga maintindihan minsan kung bakit may mga taong susulpot nalang bigla sa life mo tas bigla ding mawawala( after two months. Biglaan ba yun? hahaha) Oo. Hindi nyu ba na experience yun, hah?
Basta yun yun. (MAy tumapik sa shoulder ko. Si Karren, Out na daw kami.) Sige Babye.

P.S.
Yung mga nakakatawang lines and words na sinabi "nila" kaninang umaga sa skul:

1. Sabi ni ma'am(may omitted na part): "...'reder'(reader) what they 'well'(will)...."
2."Hindi ko kasi maintindihan ang "hand-written"(hand-writing) niya!" (Nabokya si ma'am! hahaha Tumawa kasi siya sa spelling ng klazmeyt namin eh.)

Yung mga maling spelling:

* "Alance" (sabi ni ma'am isulat niya sa board "Alan's Bookstore)

* Unang sinulat ni "klazmeyt": "both" (E ang sabi ni ma'am "Bought". So inulit niya na naman) Mali na naman, kasi yung "both" naging "bouth" (Tawanan kaming lahat! Pota! Bwahahaha! Miserable! My gosh kuya COLLEGE na po tayo!)

* Yung isa naman imbes na "paid", "payed" yung sinulat. hehe

(Ang haba naman ng post script ko. hahaha! Share-share lang.)

No comments:

Post a Comment