Sunday, July 3, 2011

ENter the dragon

"Have you ever thought about God before going to school?"
-Ma'am Rapesora

Sigh! Si ma'am...(after 1 hr) ay isang dragon. hehe nakakatakot. Pwede rin siyang kontrabida, kasi kaiinisan mo talaga. Showbiz masyado, pakikialaman pati ang pagba-budget mo ng allowance mo. Naalala ko last week sabi niya wag na daw kaming mag meryenda para tipid, ipunin nalang daw namin para pambayad ng tuition. Gosh ma'am hindi ko yun kaya, at isa pa parents ko ang nagpapaaral sa akin. 'Pag late ka naman, 'wag ka ng mag rason, kasi lahat ng rason mo hindi niya tatanggapin. Feeling ko nga lahat sa kanya posible. Walang imposible...

Monday, February 7, 2011

Kapirasong Thought

"I believe much of that beauty lives here, with us, in our streets and across our landscapes. What is lacking is not aesthetics, but our desire to see and cherish what our little corner of the world has to offer, to get to know this place we are from, to appreciate the complexity, the dangers, the wild nature and the simple joys that litter the rest of the community."

-Ma. Gabriela C. Tatad, Ang GAnda ng Pilipinas, Young Blood

Sunday, January 9, 2011

Sana Nga Merong Himala

Nagising ako mga bandang alas sais. Mejo shock. Kasi naman sabi ko kagabi gigising ako ng maaga para maka review pa sa test namin today. 100 items daw yun sabi ni ma'am eh.

So nag saing agad ako. Taz tinext ko mga friends about sa latest news na nabasa ko kagabi sa web(wala akong load kagabi so hindi ako nakapag GM). Magsa shut down na daw ang Facebook sa March 15.

Sabi ni Mark Zuckerberg, "the stress of managing this company has ruined my life. I need to put an end to all the madness." Seryoso siya dun. And ang say ko naman: "Shutting down facebook will ruin OUR LIVES!" Ang KJ naman netong si Mark!

Pagkataz kumain naligo agad ako taz nagbihis. Matagal pang mag als otso so nagbasa ako ng konting notes. Gosh! And before ako lumabas ng kwarto nag pray ako: Bro, please help me sa test. Please, sana absent si ma'am.Please, please po. Hindi pa po kasi ako ready. Sana walang test! Amen. Mwah!"

Yung tricycle na sinakyan ko nag fashion show kaya na late ako. Pagdating ko si room, ako'y shock! Party-party!!!(ala Vice Ganda) WALANG TEST! Sa Myirkules pa daw. Yahooo!

May nagagawa talaga ang prayers. Ipipray ko din na sana hindi na talaga magsa-shut down ang Facebook!

Thoughts in the Toilet

Thoughts suddenly came into my head while I was sitting on a toilet bowl this morning.

*Being a genius is not all about you being the superior. It’s not about being right all the time. But it is also about being considerate in recognizing the capacity of others to think and to give the right answer.

*I do not know a lot about the bill of rights, the constitution and other laws. But I can differentiate what is right from wrong. I know the things that can hurt the feelings of other people around me.

Saturday, January 8, 2011

Narnia

Just this morning, when we entered the function hall, a thought popped into my head: ikakasal na ba yung witch sa Narnia? haha No joke. Everything was white(exaggeration. Hindi naman lahat puti, xempre yung mga table cloth may iba ring colors. Dominant lang talaga yung color na white.) Taz sa gitna ng hall, nung una akala ko sungay ng usa(malaking usa. As in malaking-malaki!!!), may sanga ng kahoy na pininturahan ng puti na nilagyan ng mga artificial butterfies and christmas lights all over, abot hanggang kisame(that's why nasabi kong sungay ng malaking usa).

Na assigned kaming mag serve sa isang wedding kanina. Kakapagod! The wedding was okay. Simple. And ang cute!!! Lalo na yung mga video presentation na ginawa ng mga friends ng bride.



Friday, January 7, 2011

Share-share Lang Po, Ulet

Hindi halata pero masama pakiramdam ko today. Lalo pang sumama, nang marinig ko tong mokong sa kabilang unit na kumakanta ng " a day without you is like a year without rain!!!" habang naglalaro ng DOTA. Naka impit pa talaga ang boses, parang bading hahaha! Bwisit

Thursday, January 6, 2011

share-share lang

Ai oo nga no!? May nabasa akong blog, he's talking about the upcoming first anniv of his blog. E ako, alam ko ba kung kelan ako magwa-one year!? haha Ang saklap! Hindi ko po alam. hahaha Mahilig lang akong mag follow. Hindi ako mahilig mag post nag kung ano-anong kaek-ekan bout my life or anything na pwede kong mai share, kasi naman wala namang kwenta eh, puro lang katatawanan at kalukohan.

Pero nung December naawa ako sa blog ko. Wlang laman. Lonely as ME. Choz lang. hahaha Hindi ako LONELY noh! May lablyp ako, hindi lang nila alam(mas tama yatang sabihin na HINDI LANG ALAM NG IBA . hahaha mga BFFs ko lang ang me alam. hahaha) So naisip ko na magsastart nang magpost this year, kahit walang kwenta.

(Hindi ko na alam anong susunod...hmmm.)
Ano bang kakatwang nagyari ngayong araw? hmmmm.
AH, kaninang umaga...wala naman sigurong masama kung matatawa ka dibah? KAsi nakakatawa naman talaga pag mali ang pagka-pronounce niya ng word, or mali yung grammar niya. Anong gagawin ko kung tumatawa na silang lahat? tutunganga nalang na parang wala lang? Never pa yun nangyari sa akin. Kasi pag may nakakatawa, sa akin sila(Klasmeyts and friends) agad unang titingin, taz sisitahin nila ako habang tumatawa. Kunwari ako yung tinatawanan( kasi pag natatawa ako, matatawa ka rin. Basta there's something sa halakhak ko na matatawa ka rin. Bwahahaha) pero ang totoo natatawa talaga sila sa nagkamali. Minsan nagi-guilty ako, pero pag friends ko or hindi ko kilala "lakas-tawa" talaga ako, as in walang konsyensyang tawa. Kasi pag AKO ang nagkamali...I'm 100 percent sure na tatawanan din nila ako. Kaya fair lang.

Pano ko bah to tatapusin? Babye. haha Ganun lang? Babye? Hindi ko talaga maintindihan minsan kung bakit may mga taong susulpot nalang bigla sa life mo tas bigla ding mawawala( after two months. Biglaan ba yun? hahaha) Oo. Hindi nyu ba na experience yun, hah?
Basta yun yun. (MAy tumapik sa shoulder ko. Si Karren, Out na daw kami.) Sige Babye.

P.S.
Yung mga nakakatawang lines and words na sinabi "nila" kaninang umaga sa skul:

1. Sabi ni ma'am(may omitted na part): "...'reder'(reader) what they 'well'(will)...."
2."Hindi ko kasi maintindihan ang "hand-written"(hand-writing) niya!" (Nabokya si ma'am! hahaha Tumawa kasi siya sa spelling ng klazmeyt namin eh.)

Yung mga maling spelling:

* "Alance" (sabi ni ma'am isulat niya sa board "Alan's Bookstore)

* Unang sinulat ni "klazmeyt": "both" (E ang sabi ni ma'am "Bought". So inulit niya na naman) Mali na naman, kasi yung "both" naging "bouth" (Tawanan kaming lahat! Pota! Bwahahaha! Miserable! My gosh kuya COLLEGE na po tayo!)

* Yung isa naman imbes na "paid", "payed" yung sinulat. hehe

(Ang haba naman ng post script ko. hahaha! Share-share lang.)

Tuesday, January 4, 2011

Nabitin sa Brekky

Patapos na yung alarm ng celphone ko nang magising ako. Nagising lang ng konti taz natulog na naman ulet. hehe. Quarter to six na when i woke up again.

I said my morning prayers...then told myself: Kelangan today i-feel mo na estudyante ka. Careerin mo Clint! Think about your future. (haha The "future" na hindi ko parin nafo-foresee until now...ewan. Basta magka-job lang after grumaduate.)

So nagluto ako agad ng kanin, namalantsa ng uniform na polo, took a bath, nag-gisa ng sardinas...and started eating.(Of course i topped my sardines with ketchup. Yummy! Hey i'm not doing this just to be called "wierd". I'm not the "wierd-wannabe-who-thinks-he's-cool-when-he-is" type of person. Hindi naman siguro na-adik, pero nagustuhan ko na yung ketchup eh. Especially the tomato(ketchup), ayoko ko na ng banana ketchup...Eeeky!!

I was about to shoved in my first spoon into my mouth nang bigla akong ma shock sa "time check" sa radio. Three minutes bago mag seven! E ang klase namin 7 o'clock. Naman!!! Nabitin tuloy ako sa brekky ko.

Nagmamadali na ako nun nang bigla kong naalala, hindi ko pala alam kung saan ang klase namin.Opo, until now hindi ko parin na-memorize ang schedule namin. So txt ako agad sa mga klazmeyts ko. Junanaks! 8:30 pa daw ang klase. Berna talaga. Tumambay nalang kami sa lobby hanggang sa dumating si ma'am.

Pagdating sa room check agad si ma'am ng attendance(Hindi ko alam ang name niya e. Sinabi na ng seatmate ko kanina pero nakalimutan ko parin. hehe) And then she started scribbling on the white board, hindi ko na napansin kung anong sinusulat niya, busy na kasi kami sa assignment for the next subject. haha. Narinig ko sabi niya kopyahin daw namin taz next meeting na lang daw namin idi-discuss tapos magki-quiz after ng discussion. So ayun, kinopya ko na--yung assignment ni Kristine.(hehe Mas importante yung assignment eh.) After ng assignment I bussied myself on reading "Pictures of Hollis Woods". Magpapa-photocopy nalang ako ng kopya nila. Nakakatamad magsulat.

Accounting yung next subject namin. Hindi na kelangan ni ma'am tawagin yung mga family name namin tuwing checking of attendance. Naka "seat plan" na kasi kami. One glance and malalaman niya na kung sino ang absent. "Pass your assignment!" sabi ni ma'am. Tapoz nagbigay siya ng quiz. Na-shock ako ng lite. haha! 16 over 35 score ko. Okay na rin. Buti nga nagka-score ako ng lampas ten, kasi ang ini-expect ko talagang score ay itlog. Haha! Malapit ng mag alas dose kami dinismiss ni ma'am.

Tom Jones na ako pagdating sa boarding house. What's for lunch!? Syempre, yung leftover na sardinas. Pero solb na ako dun, peyborit ko naman ang sardinas eh, and hindi sila naniniwala dun...keber! hahah! Isang bundok ng kaning-lamig...sardinas sa gilid(na may ketchup)...*LAMUN*...isang basong tubig...*BuRP*!!! Thank you Lord...sa food, sa blessing, and for this another day, another life, another chance...Lavyah! Thanks ulet...bow.

Sunday, January 2, 2011

My Motto 4 today....

Ang motto ko today:
"Okay lang na umabsent ka, kasi may bukas pa"

Nyahaha! Pasado seven na ako nagising today. Pa-shock epek pa ako, as if naman hindi ko planong umabsent.
I got 8 'same txt msgs from my klazmeyts: "Skul ka na?"( U'r asking the wrong person. Hindi ko pa nga napipitas mga muta ko sa mata. haha)

Ngayong semester ang pinaka-boring na semester for me. Ewan ko, sarap umabsent. Kakatamad mag aral. Pero promise, bukas papasok na talaga ako! Excited ako sa second meeting ko with our Literature instructor. Matapos siyang mag-promise last year na magbibigay siya ng short quiz(nxt meeting daw. ’ never thought na ang "nxt meeting" nya ay next year pala haha!), aba ang loka, hindi bumalik, hindi na namin nakita! Magpapakita kaya siya bukas? Sana hindi!! LOL



Kitakits sa Dreamland

Super late posting na eto huh! For the sake of it!!!

Nung isang gabi(December 18,20210...Oo, as in last year pa po. hahaha) naisipan kong itxt si Bryan. Pasado alas sais na yun. Wala lang, naisip ko lang. ..na-miss ko siya? No, na-miss namin siya.

Bryan was this( I don't know kung "sickly thin" ba or just. ..) skinny(lang talaga siya) dude in our class. Mukha naman siyang healthy. Hindi ko lang ma-gets ang pagkapayat niya. Sabi ni RJ nagkasakit daw kasi siya nung haiskul kaya siya nagkaganun. And this semester huminto siya, kasi daw advice ng doctor na magpahinga lang daw siya sa bahay nila--tumambay!? ai LIKE ko yan.

Pasado als diyes na nang nagreply siya.
"hello clint, ok lang q meg..niwang japun, lalong pumapangit,. ga simbang gabi kamo? , xnxa ha qng di aq maka reply, hirap kc mag txt."

I don't know kung bakit napaka exaggerated kong mag-isip that night. Naisip ko na siguro nagtatanong siya kung uma-attend kami ng Simbag Gabi para ipag-pray namin na gumaling na siya. Gaano na ba talaga kalala ang sakit niya, at lalo pa siyang pumapayat and humihia kasi nahihirapan na siyang mag-txt!?

Anak ng Siomai!!! Umiiyak na ako nun. With matching shaking of shoulders pa yun hah. ..taz yung "you-know-what" tumutulo pa sa ilong ko. SAlty SHIT!!! Pero panalo yung iyak ko na yun hah, pang Oscar ang dating. Akopa! imagin-ine mo kaya friend mo sa ganung state. ..TRY MOHW!

Nagreply ako:
" Wla ko ga simbang gabi. bry, r u really ok? Na miz ta ka...mag pray ka always hah. pray ko nga maayo kana. hehe nakahibi ko bigla pag cling mo nga nabudlayan ka mag txt. ..the thought...gna imagine ko. miz u...."

Ohh! dibah! hhahahaha pero ui, totoong concern ako sa kanya, friend ko kaya yan.

txtback niya:
"uy subra kanMan, budlay mag txt kay ka tig'a ka keypad. hahaha naham'ot gd ako ah...."

Anak ng MAMAW!!! really!? Nakakahiya, bwisit!

Txtback ko"
"Haha *sniff* ga tulo pa tana sip'on q kahibi. wisit! haha emotional bya ko hah. OK megs ah! Pray ko pud ikaw. Daad ma ayo ka na. Eat healthy, think positive, and pray. *hug* gentle lang, basi mabali bukog mo. wee!"

Bryan:
"jeje..na cleanse na ang mga mata mu, wala na alikabok...opo chief...gudnyt clint..hirap i.imagine kung ano na gnagawa nyu sa skul..Mapanaginipan ko sana kayu. Gudnyt gudnyt gudnyt."

Sigh! Sana nga gumaling na si Bryan para kompleto na ulit ang barkada. Nung gabi ng December 24 nakalabas na siya ng hospital!

Reply ko:
"Gudnyt bry. hndi sagi pulaw. God bless u. mishu! ktakits sa Dreamland hehe"

Taz hulaan niyu kung anong nangyari. ..?

CHECK OPERATOR SERVICES

Bwisit talaga na SMART!!! GRRRR