Sunday, July 3, 2011

ENter the dragon

"Have you ever thought about God before going to school?"
-Ma'am Rapesora

Sigh! Si ma'am...(after 1 hr) ay isang dragon. hehe nakakatakot. Pwede rin siyang kontrabida, kasi kaiinisan mo talaga. Showbiz masyado, pakikialaman pati ang pagba-budget mo ng allowance mo. Naalala ko last week sabi niya wag na daw kaming mag meryenda para tipid, ipunin nalang daw namin para pambayad ng tuition. Gosh ma'am hindi ko yun kaya, at isa pa parents ko ang nagpapaaral sa akin. 'Pag late ka naman, 'wag ka ng mag rason, kasi lahat ng rason mo hindi niya tatanggapin. Feeling ko nga lahat sa kanya posible. Walang imposible...

Monday, February 7, 2011

Kapirasong Thought

"I believe much of that beauty lives here, with us, in our streets and across our landscapes. What is lacking is not aesthetics, but our desire to see and cherish what our little corner of the world has to offer, to get to know this place we are from, to appreciate the complexity, the dangers, the wild nature and the simple joys that litter the rest of the community."

-Ma. Gabriela C. Tatad, Ang GAnda ng Pilipinas, Young Blood

Sunday, January 9, 2011

Sana Nga Merong Himala

Nagising ako mga bandang alas sais. Mejo shock. Kasi naman sabi ko kagabi gigising ako ng maaga para maka review pa sa test namin today. 100 items daw yun sabi ni ma'am eh.

So nag saing agad ako. Taz tinext ko mga friends about sa latest news na nabasa ko kagabi sa web(wala akong load kagabi so hindi ako nakapag GM). Magsa shut down na daw ang Facebook sa March 15.

Sabi ni Mark Zuckerberg, "the stress of managing this company has ruined my life. I need to put an end to all the madness." Seryoso siya dun. And ang say ko naman: "Shutting down facebook will ruin OUR LIVES!" Ang KJ naman netong si Mark!

Pagkataz kumain naligo agad ako taz nagbihis. Matagal pang mag als otso so nagbasa ako ng konting notes. Gosh! And before ako lumabas ng kwarto nag pray ako: Bro, please help me sa test. Please, sana absent si ma'am.Please, please po. Hindi pa po kasi ako ready. Sana walang test! Amen. Mwah!"

Yung tricycle na sinakyan ko nag fashion show kaya na late ako. Pagdating ko si room, ako'y shock! Party-party!!!(ala Vice Ganda) WALANG TEST! Sa Myirkules pa daw. Yahooo!

May nagagawa talaga ang prayers. Ipipray ko din na sana hindi na talaga magsa-shut down ang Facebook!

Thoughts in the Toilet

Thoughts suddenly came into my head while I was sitting on a toilet bowl this morning.

*Being a genius is not all about you being the superior. It’s not about being right all the time. But it is also about being considerate in recognizing the capacity of others to think and to give the right answer.

*I do not know a lot about the bill of rights, the constitution and other laws. But I can differentiate what is right from wrong. I know the things that can hurt the feelings of other people around me.

Saturday, January 8, 2011

Narnia

Just this morning, when we entered the function hall, a thought popped into my head: ikakasal na ba yung witch sa Narnia? haha No joke. Everything was white(exaggeration. Hindi naman lahat puti, xempre yung mga table cloth may iba ring colors. Dominant lang talaga yung color na white.) Taz sa gitna ng hall, nung una akala ko sungay ng usa(malaking usa. As in malaking-malaki!!!), may sanga ng kahoy na pininturahan ng puti na nilagyan ng mga artificial butterfies and christmas lights all over, abot hanggang kisame(that's why nasabi kong sungay ng malaking usa).

Na assigned kaming mag serve sa isang wedding kanina. Kakapagod! The wedding was okay. Simple. And ang cute!!! Lalo na yung mga video presentation na ginawa ng mga friends ng bride.



Friday, January 7, 2011

Share-share Lang Po, Ulet

Hindi halata pero masama pakiramdam ko today. Lalo pang sumama, nang marinig ko tong mokong sa kabilang unit na kumakanta ng " a day without you is like a year without rain!!!" habang naglalaro ng DOTA. Naka impit pa talaga ang boses, parang bading hahaha! Bwisit

Thursday, January 6, 2011

share-share lang

Ai oo nga no!? May nabasa akong blog, he's talking about the upcoming first anniv of his blog. E ako, alam ko ba kung kelan ako magwa-one year!? haha Ang saklap! Hindi ko po alam. hahaha Mahilig lang akong mag follow. Hindi ako mahilig mag post nag kung ano-anong kaek-ekan bout my life or anything na pwede kong mai share, kasi naman wala namang kwenta eh, puro lang katatawanan at kalukohan.

Pero nung December naawa ako sa blog ko. Wlang laman. Lonely as ME. Choz lang. hahaha Hindi ako LONELY noh! May lablyp ako, hindi lang nila alam(mas tama yatang sabihin na HINDI LANG ALAM NG IBA . hahaha mga BFFs ko lang ang me alam. hahaha) So naisip ko na magsastart nang magpost this year, kahit walang kwenta.

(Hindi ko na alam anong susunod...hmmm.)
Ano bang kakatwang nagyari ngayong araw? hmmmm.
AH, kaninang umaga...wala naman sigurong masama kung matatawa ka dibah? KAsi nakakatawa naman talaga pag mali ang pagka-pronounce niya ng word, or mali yung grammar niya. Anong gagawin ko kung tumatawa na silang lahat? tutunganga nalang na parang wala lang? Never pa yun nangyari sa akin. Kasi pag may nakakatawa, sa akin sila(Klasmeyts and friends) agad unang titingin, taz sisitahin nila ako habang tumatawa. Kunwari ako yung tinatawanan( kasi pag natatawa ako, matatawa ka rin. Basta there's something sa halakhak ko na matatawa ka rin. Bwahahaha) pero ang totoo natatawa talaga sila sa nagkamali. Minsan nagi-guilty ako, pero pag friends ko or hindi ko kilala "lakas-tawa" talaga ako, as in walang konsyensyang tawa. Kasi pag AKO ang nagkamali...I'm 100 percent sure na tatawanan din nila ako. Kaya fair lang.

Pano ko bah to tatapusin? Babye. haha Ganun lang? Babye? Hindi ko talaga maintindihan minsan kung bakit may mga taong susulpot nalang bigla sa life mo tas bigla ding mawawala( after two months. Biglaan ba yun? hahaha) Oo. Hindi nyu ba na experience yun, hah?
Basta yun yun. (MAy tumapik sa shoulder ko. Si Karren, Out na daw kami.) Sige Babye.

P.S.
Yung mga nakakatawang lines and words na sinabi "nila" kaninang umaga sa skul:

1. Sabi ni ma'am(may omitted na part): "...'reder'(reader) what they 'well'(will)...."
2."Hindi ko kasi maintindihan ang "hand-written"(hand-writing) niya!" (Nabokya si ma'am! hahaha Tumawa kasi siya sa spelling ng klazmeyt namin eh.)

Yung mga maling spelling:

* "Alance" (sabi ni ma'am isulat niya sa board "Alan's Bookstore)

* Unang sinulat ni "klazmeyt": "both" (E ang sabi ni ma'am "Bought". So inulit niya na naman) Mali na naman, kasi yung "both" naging "bouth" (Tawanan kaming lahat! Pota! Bwahahaha! Miserable! My gosh kuya COLLEGE na po tayo!)

* Yung isa naman imbes na "paid", "payed" yung sinulat. hehe

(Ang haba naman ng post script ko. hahaha! Share-share lang.)